Linggo, Oktubre 30, 2011

LISOD PAG PAMISITA

Isa ito sa pinaka mahirap na pinag daraanan ng isang kalalakihann. Pag dating mo pa lang sa bahay ng girlpren mo, nakatingin na sila lahat sa iyo, nakakotse ka ba o pawis na pawis ka ba dahil sa jeep at tricycle na sinakyan mo. Napaka masalimuot nito, kailangan kase napaka perpekto mo kapag ipinakilala ka ng girlpren mo sa mga magulang niya- hindi mo alam kung ano ang isusuot mo. Kung mag lolong sleeve ka ba o mag ka-casual, kung long sleeve sasabihin ng nanay niya "napaka formal naman ng boyfriend mo, naka long sleeve pa, tingnan mo naman mga suot natin, ayun pawis na pawis ang gago" kapag nag casual ka naman "ano ba naman yang boyfriend mo hindi man lang nag ayos ng damit, para naman akong hindi ginalang nito"

Nakaka baliktad rin talaga ito ng sikmura. Lalo na kung ang nililigawan mo ay yung unica hija ng pamilya, dapat perpektong perkpekto ka, yung tipong kaya mong buhayin ang anak nila. Pag dating naman sa hapag kainan hindi mo rin alam kung kakain ka ba ng madami o kaunti lang ang kakainin mo. Pag kumain ka ng madami sasabihin ng nanay ng girlpren mo "ano ba naman yang boypren mo napakalakas kumain maghihirap kayo agad niyan" pag konti naman ang kinain mo "ano ba naman yang boypren mo napaka pihikan sa pagkain, hindi yata nasarapan sa hinanda ko, nakakabastos naman"
Hindi mo rin alam kung tatawa ka kapag may nagpatawa sa hapag kainan, kapag tumawa ka ng malakas, nakatingin sa ngalangala mo ang nanay at tatay ng girlpren mo. Kapag hindi ka naman tumawa ng malakas, sabihin napaka seryoso mo at pigil na pigil ka.
Nakamatyag sa iyo ang mata ng buong pamilya. Nakakatakot. Mata ng erpat ng girlpren mo, mata ng ermat ng girlpren mo, mata ng kuya ng girlpren mo at mata ng bunso ng girlpren mo. Puro mata! mata! heto ka naman pawis na pawis sa sobrang kaba, hindi makangiti, hindi makapag salita, hindi ka maka utot, hindi makagalaw ng normal, wala parang istatwang pawisan sa ilalim ng buwan. Binubulong mo na lang sa sarili mo, matatapos din to makakaalis din ako dito.
Isa pa kapag umalis ka ng maaga, sasabihin ang aga mo umalis at ayaw mong makasalamuha ang kanilang pamilya, kapag nag stay ka naman ng matagal sasabihin ang tagal mong umuwi wala ka daw paki alam sa pamilya mo sa bahay.
Sa madaling salita. Kahit anong gawin mo may sasabihin at may sasabihin sila. At sa madaling salita rin - napaka simple lang talaga ng pamamanhikan pinapa komplikado mo lang sa isip mo ang lahat.
At paguwi mo ng bahay itetext ka ng girlpren mo "baby boto sa iyo sila mommy at daddy"

O di ba ang sarap ng pakiramdam. :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento